Monday, September 13, 2010

5 Things That You Cannot Recover In Life...

1. The stone..... after it’s thrown.
2. The Word..... after it’s said.
3. The Occasion..... after it’s missed.
4. The Time..... after it’s gone.
5. A person..... after they die... =(

Saturday, September 11, 2010

Ikaw Ang Talo.. =)

IKAW ANG makulit na gusto kong kalaro..
magsimula pa nung binaboy mo ung picture ko..
pero shempre, pinakita ko sau kung sino tong kinukulit mo..
unang laro palang, ikaw na ang talo. (hahaha!)

IKAW ANG kaaway na gusto kong kasagutan..
ultimong mga gamit sa bulsa ni doraemon pinagtatalunan.
pati pinagkaiba ng firefox at google chrome pinagaawayan,
di ka na natuto, alam naman natin kung sino sa huli ang talunan. (bleh!)

IKAW ANG storya na gusto kong mabasa..
kumportable ako sayo khit hindi pa kita ganun kakilala..
para kang ung paborito mong komiks na kiko machine, nakakatuwa sa umpisa..
bago pa man matapos, nakakaadik na.

IKAW ANG kanta na gusto kong kantahin.
pero walang lyrics, parang tunong lang ng hangin.
pasensha kung walang salita, wala kasi ako sa tono..
pero kung marunong lang akong kumanta, kahit ano pa yan, kakantahin ko para sayo..

IKAW ANG gusto kong sana palaging maging masaya,
kaya kahit minsang bugnutin ako pinipilit kong maging makwela.
ayokong makita at maramdamang nalulungkot ka,
kaya kahit ano gagawin ko, makita lang kitang tumatawa.

IKAW ANG boses na gusto kong marinig.
walang ibang nais kundi ang iyong tinig (<—-malalim yan ah.)
ang haba na nang tula ko hindi pa pala kita nakakamusta,
sorry naman,. Meggy, kamusta ka na?

IKAW ANG paniguradong tumatawa na sa mga oras na to..
parang naririnig ko na boses mong nagsasabing “mean ang korni mo!”
sige lang, pagbibigyan kita ngayon..
para kahit minsan maranasan mong ako naman ang talo..

IKAW ANG dahilan ng paggawa ko nitong tula
korni man pero sana dahil dito napasaya kita..
aawayin kita pag sinabi mong hindi mo to gusto..
hahahah! joke lang, gusto mo man o hindi, para sayo to..

ikaw na si lahat…..

oo, IKAW ANG lahat….


IKAW ANG gusto ko..


kahit palagi kang TALO. =)

Friday, September 10, 2010

kung may pera lang ako.


Kung may pera lang ako.. ittreat ko sya na manood ng despicable me.. araw araw wla nakong ibang narinig sakanya kundi yun.. ultimong status sa facebook ganun.. puro sad face pa.. nadudurog ang puso ko twing hindi ko mabigay ang bagay na alam kong pwede nyang ikasaya.. nadudurog ang puso ko twing naiisip kong kung may pera lang ako, edi sana walang problema..

Kung may pera lang ako.. ittreat ko sya sa sbarro.. paborito nya kasi ang pasta..at twing kumakain kami dun, laging order namin yung baked ziti.. nadudurog ang puso ko twing hindi ko mabigay ang bagay na alam kong pwede nyang ikasaya.. nadudurog ang puso ko twing naiisip kong kung may pera lang ako, edi sana walang problema..

Kung may pera lang ako.. kayang kaya ko n syang pigilang magisip maghanap ng trabaho.. hindi pa sya graduate pero yun na ang gusto nyang gawin.. ang gusto ko sana makapagtapos muna sya bago nya isipin yung mga ganun bagay. ang gusto ko sna magenjoy sya habang estujante sha.. nadudurog ang puso ko twing hindi ko mabigay ang bagay na alam kong pwede nyang ikasaya.. nadudurog ang puso ko twing naiisip kong kung may pera lang ako, edi sana walang problema..

Kung may pera lang ako.. araw araw ko syang loloadan. para araw araw kaming magkausap kahit pag nasa bahay sya.. hindi ung nagtytyaga kami paminsan sa unli text lang.. minsan delayed pa dating ng mga messages. gusto ko palagi ko syang nakakausap kc natutuwa sya pagka magkausap kami plagi.. kaso hindi palaging may unli call kami. kaylngang magtipid.. nadudurog ang puso ko twing hindi ko mabigay ang bagay na alam kong pwede nyang ikasaya.. nadudurog ang puso ko twing naiisip kong kung may pera lang ako, edi sana walang problema..

Kung may pera lang ako.. edi sana ngayon palang bumibili nako ng ipanreregalo ko sakanya sa birthday nya.. malapit na birthday nya pero wala akong magawa. kaylngan ko nalang siguro magisip ng kahit ano na magagawa kong hindi na kaylngan ng gastos. alam kong masaya sha basta nandun ako sa araw ng birthday nya. alam kong mgiging masaya na sha basta magakasama kami. pero shempre, iba parin yung gusto kong mangyari.. nadudurog ang puso ko twing hindi ko mabigay ang bagay na alam kong pwede nyang ikasaya pa.. nadudurog ang puso ko twing naiisip kong kung may pera lang ako, edi sana walang problema..

Kung may pera lang ako.. susunduin ko na sya sakanila nagyon na at dadalin ko sya sa kahit saang lugar na gusto nya.. kung san pwede syang makapag relax, unwind, o kahit ano pang gawin nya.. kakain kami sa labas, magaadik sa picture katulad ng palagi nyang ginagawa, lahat. nadudurog ang puso ko twing hindi ko mabigay ang bagay na alam kong pwede nyang ikasaya.. nadudurog ang puso ko twing naiisip kong kung may pera lang ako, edi sana walang problema..

Kung may pera lang ako.. kung may pera lang ako.. ang problema wala...
Sana dumating ang araw na lahat yan magawa ko sayo araw araw..
Para hindi ko na ulit maramdaman to, at para masabi ko narin na "sus, hindi problema yan... Tara."

200 NonSense Facts About Me


1• pihikan ako pero hobby ko na ang kumain ng kumain.
2• mahilig akong maglaro sa net pero wala akong idea kung pano nilalaro ang dota.
3• hindi ako nakakatulog kapag hindi ako pinagpapawisan.
4• mahilig ako sa music pero hindi ako marunong kumanta.
5• palagi kong iniimagine na magaling akong sumayaw.
6• gusto kong maging piloto pero hindi yun ang kursong kinuha ko nung college.
7• hindi ako kumakain ng gulay.
8• may collection ako ng mga orig na dvd at vcd. paborito kong pang ubos oras ang
     manuod.
9• ayoko sa amoy ng bagoong. hindi ako kumakain nun.
10• mas gusto ko ng nagiisa ako kesa nakikihalubilo sa maraming tao.
11• hindi ako nagsasawsaw sa suka.
12• tumatalon ako tuwing bagong taon. umaasang tumangkad pa ko.
13• paborito ko ang harry potter.
14• naglalaway parin ako matulog minsan.
15• gusto ko makapunta sa boracay.
16• paborito ko ang color pink.
17• palaging muka ng mga halimaw ang dinodrawing ko.
18• every other day kung magshampoo ako ng buhok.
19• takot ako sa dilim.
20• hindi pako nakakasakay ng eroplano.
21• nagkaron ako ng bosch na cellphone nung grade 5.
22• pag kumakain, ayoko yung nagkakahalo halo yung mga ulam ko. one at a time.
23• nakapag cut nako ng klase nung highschool.
24• paborito ko ang royal tapos partner ng tortillas na cheese flavor.
25• hindi ko maintindihan yung larong mafia wars sa fb.
26• napagtripan nakong pakainin ng isang buong sili nung kinder plang ako.
27• pala utot ako.
28• mahilig ako sa iced tea.
29• masaya ako sa girlfriend ko.
30• pagnagkaron ako ng sariling alagang unggoy gusto kong pangalan nya ay "turtle".
31• hindi pako nagkakabulutong.
32• nung bata pako pinangarap kong maging kaliwete.
33• naranasan ko ng maligaw sa mall.
34• highschool nako nung huling napaihi ako sa kama.
35• kahit kelan hindi ko nagustuhan ang kulay violet.
36• kaya kong pagalawin ang tenga ko.
37• naranasan ko ng mamatayan ng mahal sa buhay.
38• muntikan akong mapatalsik sa school dahil pumasok ako sa campus ng lasing.
39• hindi ako mahilig magbasa ng mga librong pang eskwelahan.
40• ayoko ng mayonnaise.
41• gusto ko magpabrace ng ngipin.
42• namimiss ko ng suutin yung mga damit na sinusuot ko dati nung payat pa ako.
43• hindi ako mahilig magpapicture.
44• gusto kong matutong lumangoy.
45• top 1 ako sa school nung nursery hnggang sa mag grade 1 ako.
46• takot ako sa ipis.
47• mahilig akong magpatawa pero mabilis akong umiyak.
48• nakahawak at nakabuhat nako ng buhay na ahas.
49• nagiipon ako ng mga pundidong bumbilya nung bata pako.
50• ayoko sa malamig.
51• nagpapractice akong magsalita ng english pag nasa banyo ako. kunwari may kausap.
52• may inalagaan akong mga itlog ng butiki nung kinder ako.
53• napagbintangan na kong nagnakaw daw ng cellphone nung second year highschool
       ako.
54• paborito ko ang saging.
55• gusto ko magkaron ng sportscar na ipangkakarera ko.
56• bata palang palagi nakong pinapatula ng nanay ko. kaya siguro mahilig akong
       gumuwa ng tula ngyon.
57• meron akong ulcer.
58• mahina ako sa pagmememorya ng daan o direksyon.
59• nanalo na ko sa isa sa mga drawing contest ng SM supermall.
60• binibenta ko na ang mga koleksyon kong orig na dvd at vcd.
61• nung grade 3 ako, napalabas ako ng teacher ko sa classroom dahil nakipag suntukan
       ako sa  kaklase ko.
62• palagi akong kumukupit ng barya at chichirya sa tindahan namin nung bata pa ako.
63• pawisin ang kamay ko.
64• makakalimutin ako. sobra.
65• may medal ako nung gumraduate ako nung college.
66• gusto ko ulit mapanood yung bioman, maskman, ultraman at shaider kasi wala
       nakong maalala sa mga palabas na yan. power rangers nalang ang natatandaan ko.
67• hanggang ngayon hindi parin ako nawawalan ng pagasa na magkakaron ako ng psp.
68• isang beses lang ako napalo sa pwet ng tatay ko.
69• namimiss ko na yung batang ako na palaging nagliliwaliw sa creek.
70• pinaglihi ako sa jackfruit.
71• ayokong nagsusulat gamit ang lapis ng walang pambura.
72• ninakaw ni meinard flores yung drawing ko na vincent (ghost figther) nung grade 3
       ako. cnlaim nyang sya ang nagdrawing nun.
73• ayaw ng nanay ko na naglalaro ako ng tex dati.
74• mahina ang puso ko.
75• meron kaming malaking aquarium at maraming ibat ibang isda dati. nagbrown out
       nung gabi, paggising namin kinabukasan patay na lahat.
76• hindi ko pa nararanasang mastock at mastranded sa loob ng elevator.
77• hindi pako nakakasakay ng eroplano at barko.
78• nalaglag nako galing sa bubong.
79• lalong nanlalabo mata ko kakacomputer.
80• ayoko ng roll-on na deodorant.
81• galit ako sa adviser ko nung grade 4 dahil pilit akong sinali as backup dancer ng
       sayaw pangkatutubo na program sa school.
82• laging lumpiang shanghai ang una kong hinahanap sa mga handaan.
83• na adik ako sa kakanood ng doraemon dati. sana hanggang ngayon meron non.
84• marunong akong mag gitara. noon.
85• nagkaron ako ng napakalaking sugat sa muka ng malaglag ako sa pagkakakapit sa
       likod ng sasakyang dumaan sa harap ng bahay namin.
86• pinangarap ko rin na matutong mag drums.
87• nasubukan ko ng mag 1,2,3 sa jeep pero nahuli ako ng driver bago palang ako
       bumaba.
88• nalaglagan ako ng gunting sa kanang paa. nakatayo yung gunting. tagos sa buto.
89• bwan bwan ako tinutubuan ng kuliti nung bata pako.
90• chismoso ako paminsan.
91• ayokong nakakakita ng mga car accidents.
92• binigyan ko ng magandang drawing yung teacher ko nung 4th year highschool ako
        kapalit ng mataas na grade para umabot ako sa passing grade ng subject nya.
93• gusto ko magdiet.
94• nakabili ako ng chippy gamit ang play money.
95• napaniwala ako dati na nanganganak ang kisses.
96• nung bata ako, takot sakin yung aso ng kapit bahay namin. kinagat ko kasi yung
       nguso nya nung minsang tinahulan nya ko.
97• kwento ng nanay ko, nursery ako ng umuwi ako ng bahay galing school ng walng
       underwear. naiwan ko ata sa c.r.
98• naranasan ko ng magpa highlights ng buhok.
99• naging crush ko si camille pratts sa oki dok dati.
100• ginagawa kong parang hugis eroplano yung mga pinagkabit kabit na sipit ng
         sampayan.
101• sinisipsip ko yung nectar ng santan at pagkatapos nun, pagdudugtung dugtungin ko 
         lahat ng nasipsip na para gawing kwintas at bracelet.
102• nagkaron ako ng dalawang pellet gun. isang silver at isang gold.
103• umiyak ako nung hindi pumayag ang nanay ko na sa loob ng bahay matulog yung
         napulot kong pusa.
104• nagkaron ako ng pollypocket na pasalubong ng kapitbahay namin galing guam.
105• nakalanghap na ko ng tear gas.
106• nakakakita ako ng mga masasamang elemento.
107• napatae ako sa loob ng classroom nung grade 2 ako.
108• hindi ako kumakain ng chico.
109• may nanuntok saking hindi ko kakilala nung college sa pagaakalang ako yung
         kaibigan nya. buti hindi masyadong masakit.
110• si paolo contis lang ang natatandaan kong character sa Ang TV.
111• nasubukan ko ng magwish sa falling star o bulalakaw. hindi ko alam kung
         nagkatotoo yung winish ko dahil nakalimutan ko n kung ano hiniling ko.
112• naranasan kong maging bench warmer sa basketball nung player pa ko nung
         highschool.
113• naoffice ako nung grade 3 dahil piningot ko yung kaklase kong si Ryan Joi Tiu.
         pumunta pa sa school yung nanay nya. hindi sya nagsabi ng totoo na sya ang   
         nagsimula ng asaran. sana dinala ko din nanay ko para hindi ako napagkaisahan.
114• marunong akong tumambling.
115• naglalaro ako ng lutu-lutuan nung bata pa ko.
116• nag eenjoy ako tumambay sa mga museums.
117• expression ko ang "gagi" dati.
118• paborito ko ang Side A band.
119• naglalaro ako ng bubbles na ginawa sa dinikdik na dahon ng gumamela at tide
         powder.
120• nung bata pako, nagtyatyaga akong magbunot ng puting buhok ng kapit bahay
         namin kapalit ang limang pisong papel na bayad nya sakin.
121• hindi ko kinakain yung taba sa dulo ng barbeque.
122• nasubukan ko ng manigarilyo.
123• naging volleyball at basketball player ako ng school nung highschool ako.
124• grade 1 nako ng magstop akong dumede sa bote.
125• binubudburan ko ng asin ang bawat lintang nakikita ko.
126• nung elementary ako, meron akong isang kahon na punong puno ng mga sirang
         switch, ibat ibang wire, mga bumbilyang pinapailaw ko gamit ang battery, fuse at
         kung anu anu pang mga gamit electrikal. iniipon ko un lahat.
127• naging art tutor/instructor ako nung summer ng highschool.
128• isa sa mga wishlists ko ngayon ang magkaroon ulit ng gitara.
129• ayoko ng duhat. pakiramdam ko kumakapal labi ko pag kumakain ako nun.
130• nababanguhan ako sa amoy ng rugby.
131• mana ako sa tatay ko.
132• 4th year highschool ako ng maadik akong maglaro ng bilyar.
133• bangko ako ng sikreto ng mga kaibigan ko. alam kasi nilang makakalimutin ako kya
         hindi nagtatagal ang sikreto nila sakin. ilang araw lang limot ko na.
134• mapride ako.
135• hindi ako marunong magpaikot ng trumpo.
136• nung 4th year highschool ako hindi ako nakaranas mag C.A.T.
137• mahilig ako sa mga lumang kanta.
138• hindi ako nakakatulog ng patay ang ilaw.
139• never pakong nagkaroon ng original na relo.
140• nagka tigdas nako.
141• number 7 ang unang unang numero ng unang unang jersey ko.
142• bago pumanaw ang tatay ko, pumipikit ako  twing may madadaanan akong tindahan
         ng mga kabaong, tindahan ng mga bulaklak ng patay at mga pwesto ng
         nageembalsamo. ayoko at takot akong nakakakita ng mga ganun.
143•.palaging dumudugo gums ko. 
144• paborito ko ang crispy pata na luto ng nanay ko.
145• nung bata ako pinangarap kong magkaron ng malapad at may second floor na pencil
         case.
146• medyo bingi ako.
147• lagi akong kinakabahan pag magrerecite ako kahit sureball naman ako sa sagot ko.
148• kumakain ako ng sisiw ng balot.
149• nilalagyan ko ng lotion ang paa ko pagka hindi ako makatulog dahil sa lamig.
150• galit ako sa nanay ko dati dahil araw araw nya kong pinapagalitan.
151• laging maggie chicken flavor ang almusal ko nung bata pako.
152• hindi pako sumusuka sa loob ng bus.
153• naranasan kong magdorm nung college ako.
154• nung first registration bago ako mag first year college, nagkaron ng problema sa
         paghahanap sa pangalan ko sa listahan. huli na ng malaman kong sa linya ng
         architecture pala ako nakapila at hindi doon sa course ko talaga. umulit ako ng pila.
155• namimitas ako ng bungang bayabas pero hindi ko naman kinakain.
156• matampuhin ako.
157• pag wala ng lasa yung bubble gum na nginunguya ko, nilalagyan ko yun ng asin.
158• napasama ako sa pepsquad nung 1st year highschool ako.
159• naranasan ko ng mangtrip ng doorbell ng kapitbahay tpos biglang tatakbo matapos
         pindutin ng ilang beses yung doorbell.
160• mahilig ako sa laruang lego.
161• wala ng tatalo sa lasa ng ice cream o tsokolateng cookies and cream ang flavor.
162• tumataya ako sa lotto dati sa pagnanais na tumama at magkapera.
163• tapos ko ng basahin ang lahat ng libro ng harry potter at twilight series.
164• marami akong maliliit na nunal sa muka.
165• plano kong gawing winnie the pooh theme ang sasakyan kong van na si vanessa.
166• nanginglabot at nandidiri at tumatayo balahibo ko tuwing nakakakita ako ng mga
         dikit dikit na maliliit na mga bilog o anu mang mga nagkukumpol kumpol.
167• pagdating sa pasta, carbonara ang paborito ko.
168• naniniwala akong bawal ituro ng hintuturo ang rainbow.
169• college nako ng makasakay ako ng kalesa. sa vigan.
170• gusto ko maranasang mangisda.
171• ayoko sa lugar na masikip at maraming tao.
172• hindi nako umiinom ng alak ngayon.
173• may alam akong magic trick gamit ang palito ng posporo.
174• nabuhusan ako ng kumukulong sabaw ng nilaga sa buong katawan nung 2 years old
         ako. pero wala akong peklat sa katawan ngayon.
175• pikon ako minsan.
176• ayokong pinagmamalaki sarili ko sa ibang tao.
177• matamis ako magtimpla ng juice.
178• gusto ko magcamping.
179• adik ako sa plants versus zombies.
180• hindi ako kumakain ng century tuna.
181• gusto ko ng baril barilan na mga laruan.
182• mabilis akong magduda.
183• wala akong sariling kwarto.
184• hindi ko alam ang mga capital ng ibat ibang lugar at bansa.
185• hindi ko naaapreciate ang mga babaeng sobrang daming butas ang tenga at hikaw
         kung saan saang parte ng katawan.
186• gusto ko magkaron ng matchbox collection.
187• ayoko ng strawberry jam.
188• lagi akong on time.
189• perfect ko ang math nung nagentrance exam ako sa school kung saan ako
         gumraduate ng highschool.
190• pangalawa sa pinaka paborito kong prutas ay ang rambutan.
191• ayoko ng matigas na saging sa banana que. gusto ko yung super sa over na lambot.
192• bago pa man mauso si edward cullen, gusto kong nababasa ko mga iniisip ng ibang
          tao kung magkakaron man ako ng kapangyarihan.
193• nasampal na ako ng nanay ko.
194• naranasan ko ng maihi sa underwear dahil sa kakatawa.
195• natutuwa ako sa mga bekimon.
196• unemployed ako ngayon dahil kakaresign ko lang sa trabaho ko. at wala pa kong
         balak mag apply ulit.
197• gusto ko pag binibaby ako.
198• toyong may asin ang dabest na sawsawan para sakin para sa manggang hilaw.
199• december 7 2008 ang huling araw na kumpleto ang pamilya ko
200• namimiss at mamimiss ko pa tatay ko.

Thursday, September 9, 2010

Epal Ka.

napanaginipan nanaman kita kanina.
ilang gabing paulit ulit, nakakasawa na.
anu bang meron bakit hindi ka mawala wala?
kahit anung pilit, talagang nandun ka.

ayokong matulog dahil paggising ko masasaktan lang ako
ayoko ring magising dahil masaya ako sa panaginip ko.
oo ang labo, kaya tuloy minsan napapaisip ako,
may pagkakataon bang ako rin napapanaginipan mo?

hindi ko alam kung dahil ba to sa nakaraan,
yung nakaraan nating hindi naging maganda ang katapusan
pero wala na un diba?, matagal na natin un tinalikuran.
ang problema lng, ako, hindi kita makalimutan.

epal ka, un lang masasabi ko.
nakakainis kasi pinapahirapan mo ko.
alam kong maling isisi ko to sayo.
pero mas ok na un kesa sarili ko sisihin ko. (hahah!)

Wednesday, September 8, 2010

Huling Gabi

maliwanag na buwan at di mabilang na mga bituin,
malamyong hangin na bumabalot sa paligid natin.
pagaspas ng mga dahon o anong sarap dinggin,
sarap sa pakiramdam ng damuhang hinihigaan natin.

wala ng hihigit pa sa nadarama ko ngayon sinta,
hawak ko ang iyong kamay habang nakatingin sa iyong mga mata.
tinig mo na tila awitin sa aking pandinig,
binibigkas lahat ng mga salitang nais ko lamang marinig.

o anong tamis ng ngiti sa iyong mga labi,
nakukuha nitong pawiin lahat ng aking pighati.
mga yakap mo sa aking bisig na walang kasing higpit,
nagpapahiwatig na sana’y lagi tayong magkalapit.

sa mga sandaling ito na ikaw ay aking katabi,
sa ilalim ng buwan at malalim na gabi,
o diyos ko bigyan mo po ako kahit konti pang sandali,
iwanan siya ay kahit kailan hindi ko naging gawi.

huwag kang magalala pinakamamahal kong sinta,
pagkat wala tayong ibang iisipin ngayon kundi tayong dalawa.
magkakalayo man tayo sa oras ng bukang liwayway,
wala akong ibang patutunguhan, sa puso mo ako’y mahihimlay.

at sa huling sandaling ito nais ko sa iyong ipadama,
mahal kita. ikaw lang, at wala ng iba.
balang araw magkikita tayong muli aking sinta,
pangako, pangakong hihintayin kita.

Shift Happens

Meron akong sasakyan na ginagamit pag pumapasok ako sa opisina..
Minsan dala ko, minsan commute.
Wala halos pinagkaiba, pareho din akong gumagastos dun..
gas o kya pamasahe.
Ang kinaibahan lang, pag dala ko sasakyan ko, dami ko friends.
Maraming nakikisabay sakin pauwi.
Pag commute, loner ako.
Walng kakilala.
Parang may sakit.
Walang gustong sumabay kasi baka mahawa.. nice. ^_^

Uulitin ko ung simula.. parang mas maganda pag ganito:

Meron akong sasakyan na ginagamit pag pumapasok ako sa opisina..
At meron din akong mga kaopisina na ginagamit ako pag uwian na.. ^__^
Hahahaha!!

Hindi ko sila nakakasabay pag papasok palang khit nadadaanan ko lng yung bahay nila..
Kasi shempre, malamang, maaga ako pumapasok.
Sila, late.
Pero pag uwian na, iisa lang oras naming lahat.
No choice. Nandyan na, isabay nalang.

Punta na tayo sa mismong istorya..
Sobrang daming ginagawa sa ofis nung araw na un..
Alas dos na.. uwian na.. pero yung iba parang walang balak tumayo kasi andami pa nilang ginagawa..
Shempre hindi ako kasali dun.. 1:55 plang, nandun nako sa guard..
kota na eh. ^_^
Hindi pa pumapatak ang alas dos, nakita ko ng patayo ung mga nakikisabay sakin..
Nasabi ko nalang sa sarili ko: *PUTRAGIS NA YAN OO..

Saktong alas dos.
Swipe ng ID.
Takbo sa elevator, sara agad. baka magkaabutan pa, mahirap na.
Nagmadali nakong pumunta sa parking lot.
Nakita kong katabi ni Vanessa (sasakyan ko) ung sasakyan ng pinaka kclose kong kaopisina..
Balak ko pa sanang magiwan ng note sa wiper nya.. aasarin ko lng.
Kaso wala ng oras. kaylangan ko ng umalis.

Start.
Bigay ng ticket sa guard.
Harurot.

Mejo kinabahan pako kc baka nasa lobby na yung mga mkikisabay.
Madadaanan at madadaanan ko sila kasi dun lang sa harap ‘non ang posibleng daan bago makalabas ng hiway..

Wala pa sila. success.

Eto na..
Nasa kalagitnaan nako ng highway ng mapansin kong umuuga yung kanang side mirror ko sa hangin..
Wala akong mahintuan kasi nga, highway..
Binagalan ko lang takbo hanggang sa makakita ako ng daan sa gilid ng hiway n tinatakbuhan ko..
Pumasok ako dun.. tabing tabi lng sha ng highway, gutter at mga maliliit n halaman lng ang pagitan.
Lagi ko nadadaanan ung area na un pero dun ko lang narealize na bakit nga pala walang dumadaan dito?

Stop.
Baba.
Pag ikot ko sa kanang side ni Vanessa, nkita ko may nakatayong guard sa ilalim ng puno..
Siguro mga limang dipa ko ang layo namin.
Nakita ko nakatingin sha sakin.
Walang expression ang muka.
Naisip ko, baka private road un at bawal akong magpark o
dumaan manlang dun.
Habang chinicheck ko ung side mirror, hinihintay kong sitahin nya ko.
Pero wala. nakatayo lang sha.

@#$%^&*( !
wala na yung turnilyo ng side mirror ko!!
Sino nagtanggal?
Puchaa. epekto ba to ng pagdadamot ko?
Karma strikes? hahaha!

Hindi ko alam gagawin ko. kung nalaglag man yung turnilyo,
malamang hndi ko na makikita un.
Buti nalang may electrical tape si Vanessa.
Habang tinitape ko c Vanessa, tumingin ako sa guard. nakatingin parin sha sakin. Hindi kumikilos.
Inisip ko baka hndi tlga sakin nakatingin ung guard.
Baka banlag lang sha, feeling ko lang na sakin sha nakatingin.
Hahahaha!! kinakarma n nga ako, nangokray pa.

Pag sakay ko, dumirecho nako.. dun parin sa “private road”..
Nadaanan ko ung guard. tumingin lang sha sakin.
hindi manlang tumango o ngumiti.
Walang kahit ano.

“grabe.ang haba pala ng kalsada dito. pero bakit walng nadaan?”
“Hindi to private, wala namang sign” (sabay tingin sa paligid..)

Nasa kabilang gutter lang ung highway na dapat dinadaanan ko.
Nang makarating ako sa dulo..„..„..
“Walanjo. bakit putol ung kalsada?!!!?”
“putragis!”

Sumilip ako kung pano ako mag u-u-turn.
Dun ko nakita may nakahigang sign board.
Natumba at nadaganan na ng ilang maliliit na bato.
Ang nakasulat: “ROAD CLOSED”

Magmumura pa ba ko? Alam nyo na un.
Walng kahit anong mura ang mkakapagexpress ng nadama
ko nung mga oras na un.

Hindi ako makapag uturn. makitid mashado ung “private road”.
Alam na natin kung bakit ako tinitignan nung guard.
Naisip ko pag bumalik ako dun sa dinaanan ko, saka sha ngingiti sakin.
Sarap nyang batuhin ng turnilyo. o kya ng side mirror nalang mismo para mas masakit.
O kaya para mas matindi, ung signboard nlng ung ihahampas ko saknya.
BUSET.

Hindi ako nag uturn.
Sumampa ko sa gutter.
“Bahala na si batman. 1..2..3..! Go Vanessa!!”

At aun nga. nasa highway nako.
Nasabi ko nalang,

Relax…Shit happens talaga.