Wednesday, September 8, 2010

Sustagen Chip

sobrang makakalimutin ako.. habang tumatagal lalong lumalala pagiging makakalimutin ko.. pero matalas memorya ko pagdating sa mga pangyayaring todo yung epek sakin.. share ko tong hardcore na moment ko sa sustagen chip..

kinder ako nun, merong program sa school namin na pupunta sina susie at geno..ung dalawang parang may hydrocephalus na mascot. (hindi sa bitter ah. nagsasabi lang ako ng totoo. pero parang ganun narin.. hehe.) anyway, aun nga. ung araw bago ung event na un, binigyan kami ng teacher namin ng tigiisang sustagen chip..
oo alam ko alam nyo na mangyayare. pero patapusin nyo muna tong kwento ko..

yung chip na un katumbas nun isang sustagen toy o kya naman isang sustagen na lapis na may pambura, o kaya naman ruler na sing haba lang ata ng i.d, at kung anu anu pang kaek ekan na may tatak ng sustagen..shempre nung mga panahong un sobrang tuwa nako. bata eh. baka nga makatanggap lang ako ng takip nag sustagen matutuwa nako.

ayun. nung araw na binigay samin ung chip na un, sobrang bonggang tinago ko un sa bulsa ng bag ko. ang kaso, ung bag ko parang basurahan.. nagsama sama na lahat sa loob. may mga durog durog na biskwit, nilamukos na drinowingang mga papel, mga putol putol na crayons, mga pinagtasahan ng jumbo na lapis..ung kulay black? un.. meron pa nga atang wlang laman na tetra pack ng zesto dun. pero oks lang un, alam ko naman kung saang bulsa ko un nilagay eh.

excited nako kinabukasan nung pumasok akong skul. inapura ko pa si mang ben (kapitbahay namin na may pamangking ka same skul ko). lagi akong kasabay sa paghatid at pagsundo nya sa pamangkin nya. pagdating namin sa school, wala pa ang team sustagen.. pero hindi na kami pinagklase. pinaglaro nalang kami ng mga lego lego dun habang hinihintay sina susie.. at dahil nga sa since birth eh makakalimutin ako, nawala na sa isip kong icheck ung sustagen chip ko..

sakto. nanjan na sina susie..takbuhan na kaming lahat para makiyakap sa dalawang may hydrocephalus na mascot. after nun, nagsalita na ung teacher namin na kunin ung mga sustagen chip namin..

un na. nataranta nako nung pagbukas ko sa bulsa ng bag ko, wala na ung sustagen chip!!! cguro kung marunong nakong magmuara that time, malamng mga pang hardcore na mura isisigaw ko. tsk. wla akong nagawa kundi ibuhos lahat ng kalat este maga gamit ko sa sahig.. pinagbubuklat ko mga libro ko. pati mga nilamukos na papel inunat ko para lang makasigurong hindi un nakatago dun. wala. wala. wala talaga. pano nangyare? dun nako umiyak.. =(

napansin ko nalang ako nalang magisa dun sa loob..so lumabas ako.. nakita ko ung mga kaklase ko nakapila na para ipapalit ung sustagen chip nila. hindi ko alam kung sasabihin ko ba un sa teacher ko o uuwi ako sa bahay para ichek kung nandun ung chip ko.. kaso wala c mang ben..hindi ako papayagang lumabas.. paiyak nako ulit nun nung may nagabot saking isang baso ng sustagen.. tinanong nya pa ko kung nabigyan n ba ko o hindi pa. sabi ko hindi pa. tpos bigla nalang sha tumalikod para magbigay pa sa ibang bata ng mga baso basong may sustagen.

ininom ko na ung sakin. hindi ko alam na un na ung huling inom ko ng sustagen. hindi ko na maalala ang lasa sa sobrang tagal.

hinanap ko ung teacher ko pero hindi ko makita. naiiyak nako nun lalo dahil ang iingay ng ibang bata na nagpapayabangan pa sa mga laruang napagpalit nila sa chip nila. eh pare pareho lng naman. hahaha! dama ko parin pagkabitter ko hanggang ngayon.. sorry naman.

hindi ko mahanap ung teacher namin kaya pumasok nalang ulit ako sa classroom para ichek ulit ung basurahan/bag ko.. wala talaga..lumabas nalang ako ulit. pagdating ko dun, may nagsasalita na sa mic.. tapos c sussie at c geno wala na.. ung mga kaklase kong maiingay tumahimik na, naka upo na lahat. ako nasa likod nagpupunas ng luha.. =( hindi manlang ako inasikaso ng teacher ko.. huhu.

tapos nun, umuwi ako sa bahay ng mainit ang ulo. malamang. chinek ko ulit ung bag ko.
%^&*(#$@$%!!!!!!! nandun ung sustagen chip ko!!!! naipit sa pinaka sulok sa dulo ng zipper. nice.

simula non, milo na iniinom ko.

No comments:

Post a Comment