Wednesday, September 8, 2010

Marisol

Sobrang makakalimutin ako at alam na ng lahat un. May mga pagkakataon talaga na mahina ako sa pagtanda ng mga pangalan, lugar na nadaanan ko na, petsa, kulay ng damit na sinuot mo kahapon lang, ichura ng muka, mga salitang kakasabi ko lang, at marami pang iba. Pero may mga pagkakataon din namang ok ang memorya ko.. lalo na sa mga pangyayari.. at lalo pa dun sa mga pangyayaring naka apekto talaga ng bongga sakin..ung hardcore ang epek.. pakiramdam ko tuloy un ang special talent ko.. ang araw araw sariwain ko ang mga masasaklap na pangyayari sa past ko..so nice..

Maniwala ka man o sa hindi, naranasan ko ng makalimutan apilido ko..oo ganun katindi at hindi ako nagbibiro. First year highschool ako ‘nun.. exam.. hindi ko pa ‘nun alam na nakalimutan ko apilido ko hanggang sa matapos kong isulat ung middle initial ko.. na stuck up nako after. Nagtanong ako sa katabi ko ng mejo pabulong.. ang wirdo kasing pakinggan diba. try mong itanong sa kaklase mo kung ano apilido mo tignan natin kung ano magiging reakshon nya.. so ayun nga, minura ako..pero pabulong din.. sa pagaakala nyang nakuha ko pang magbiro sa gitna ng mahirap na exam.. Nung naalala ko na, sa spelling naman ako nagdalawang isip.. san nga ba ung double R sa HERRERA ko? sa una o sa pangalawa?

Punta na tayo sa kwento ko. Mother's day nun. 9pm oras ng trabaho ko kya mga 7pm palang pumunta nako sa mall para sana magpareserve ng cake para sa mahal kong ina. Mahaba na pila..pero tiniis ko.. iniisip ko nalang kung ano ung magandang message na ipapasulat ko sa cake. Kaso badtrip, wala na daw reserve reserve.. hindi daw kasi nila alam kung ilang cakes at kung anung klaseng cakes ung mga madedeliver sakanila bukas ng umaga.. So, sawing palad. napabili nalang tuloy ako ng isang slice para sakin. para naman hindi masayang ung pinila ko dun..

Paglabas ko ng mall, nakita ko sobrang trapik. may banggaan..natanggal pa ung gulong. habang naglalakad ako papunta sa pila ng mga van na sasakyan ko, winiwish ko na sana maganda mapwestuhan ko kasi balak kong matulog..mahaba habang byahe eh.

Wow. ako plang una. sa front seat nako umupo. nginasab ko na agad ung cake na binili ko.. hindi pako natatapos kumain, dumagsa na mga pasahero. wala na daw kasing mga van dun sa kabilang toda. mga naipit daw sa traffic. Naputol ang pakikinig ko sa mga nagchichismisan sa likod ko nung may biglang nagbukas sa pinto dun sa frontseat. Napatingin ako. napatingin din sha. sabay pa kaming nag “uy!”. hindi ko alam kung bakit ako nag “uy”.. After ko mag “uy”, dun ko lang narealize na pamilyar ung muka nya.. umupo na sha sa tabi ko. at habang inaayos ko pwesto ko, iniisip ko kung sino nga ba sha?. san ko sha nakita? ako din sumagot sa tanong ko. kilala ko sha pero nakalimutan ko kung ano pangalan nya. ayoko sanang magka dead air kasi ayokong mahalata nyang may bumabagabag sa isip ko..

“san ka?” sabay na naman kami. ang korni pero natawa kaming dalawa. hanggang sa ayun, sabi ko “sa alabang,pasok nako trabaho.. ikaw?” “sa festival. buti ka pa may trabaho na. ako wala pa..nursing kasi eh..ang hirap ng blah blah blah blah.” dun ko napatunayang magkakilala nga kami dahil super share na sha ng mga bagay bagay na hindi ko pa naman tinatanong.

Dead air. as in super dead.

Wala akong maisip na sabihin kasi hndi parin ako sigurado kung kelan ko ba sha naging classmate.. kung gradeschool ba, highschool o college.. mamaya magbanggit ako ng pangalan tapos hIndi pala nya un kilala, nakakahiya.. wala akong magawa kundi hintayin shang magsalita..

___ : kelan ulit reunion?
me  : (patay. anung reunion? shit.) uhm.., hindi ko alam eh. kelan nga ba? he he..
___ : antagal na nung huling nakasama ko eh. nagstart na kasi ung volunteer ko   nun..e aun, busy..
me  : aah.. (kaylangang maiba ang usapan.. takte talaga eto pa natanong nya..) nakapagtake ka na ba ng exam?
___ : oo tapos na.. naghahanap nalang talaga ko ng trabaho.. andami ko n kayang inaplayang mga ospital.. ang hirap grabe..blah blah blah blah blah.
me  : he he. ayos lang yan.. makakakita ka din..
___ : sana talaga. ay wait may tumatawag…
me  : (yeeeeesss!!! i need a break!!!) cge cge.

Nung mga oras na un, umiisip ako ng paraan kung pano ko makakatakas sa sitwashon. baba nalang kaya ako sa pinaka malapit na gas station? tapos sabihin ko may hihintayin ako dun.. kaso hindi, aabalahin ko oras ko at panibagong pamasahe ko para lang makatakas? no no no. kaya naisipan kong magtulog tulugan nalang. kaso pagpikit ko, bigla shang nagsalita.

___ : anu nga ung sinasabi ko?
me  : ha? ah.. anu nga ba? haha! ewan.
___ : aun nga..ung reunion..
me  : (putragis.) ah oo nga pla, kelan ba?
___ : nakakasama mo pa ba sina laviene?
me  : (aha!! highschool kita naging kaklase!! tnx sa clue.. ^_^) ah! sila laviene? oo nkakasama ko sila paminsan..

saka nako nagbanggit pa ng ilang mga pangalan na mejo sigurado nakong kakilala nya kasi kabatch namin.. pero may pangilan ngilang pangalan parin akong nabanggit na parang hindi nya kilala..hindi ko alam kung bakit.. ung expression ng muka nya parang napapaisip.. dun ko naalala, hindi nga pla buong highschool ko eh kaklase ko c laviene.. ano nga bang year kami naging magclassmate? at anung section? shit. panibagong pagiisip nanaman.

___ : second year ba yang sinasabi mo?
me  : ha? ah… hindi. 3rd year ata? ay hindi, tama second year.. ay? uhm. oo nga second year.. ata.. hehe.
___ : ay wait may tawag ulit..
me  : (thank you Lord.)

mejo matagal ung usap nila sa fone..sa tagal ng usap, parang pwede pakong magtimpla ng kape, palamigin muna, tapos saka iinumin. kung alam lang nya kung gano ko pinipiga utak ko para alalahanin kung anung year at section namin dati na naging magclassmates kami.. un talaga ang hirap. dun ko naisip na baka isa sha sa mga model students dati.. ung tahimik, laging nasa unahan nakaupo,laging dala ung lahat ng sizes ng papel para sa mga quizes, laging may gawang assignments.. ung mga ganun.. isa kasi ko sa mga bully dati.. at ang mga naaalala ko lang, mga kapwa ko bully. at wala sha sa list of bully members ko. hmm.. malamang nga isa sha sa mga mababait. at malamang nahingan ko na sha ng papel dati.

winish ko na sana maalala ko na pangalan nya.. nagkukwentuhan kami tapos hindi ko pala alam pangalan nya, ang panget tignan. ngayon lang ako nakaexperience ng ganun.. yung buong byahe ko natagtag utak ko sa kakaisip kung ano ba talaga pangalan ng taong kausap ko. nakakainis. pakiramdam ko napapahiya ako sa sarili ko ng hindi ko alam kung bakit. hindi naman nya alam na nakalimutan ko name nya pero naiirita parin ako sa sarili ko..

Yan na, malapit nako bumaba. hay salamat. makakatakas narin ako. sakto narin na tapos na sila magusap nung kausap nya sa fone..

me  : sa festival ka diba? ako jan na.
___ : ah, o cge..
me  : para po..
___ : cge bbye..
me  : cge cge, ingat ka.



Dala ko hanggang sa opisina ung pagiisip kung ano pangalan nya. mejo na nadidistract pa ko sa mga ginagawa ko pag naaalala ko ung sitwasyon kanina.. yun na pinaka pangit na byahe ko ever. pero kung iisipin, lesson un.. Ngayon ko narealize na importante pala talagang natatandaan mo lahat ng mga naging kaklase mo.. Naging super close man kayo o hindi, maganda parin talaga yung matalas ang memorya mo pagdating sa mga pangalan ng tao..

Ending:

Paguwi ko sa bahay, hinanap ko agad ung yearbook ko nung highschool. dun ko natuklasan, super magkasunod pa pala kami ng birthday.. 8 sha, 9 ako..same month.. cool.. tapos eto pa, same subdivision lang pla kami? walanjo. bakit hindi ko un alam nung highschool kami?? o bka alam ko na un kaso nkalimutan ko lang ngayon na alam ko pala un dati.. tsk.. pero proud ako, yung sinulat nyang ambition dito sa yearbook namin eh “to be a nurse”.. although hndi pa sha ganap na nurse talaga, yun parin yung tinahak nya.. hehe.. hardcore. at ang name nya…., Marisol. now i know.

No comments:

Post a Comment