Wednesday, September 8, 2010

Shift Happens

Meron akong sasakyan na ginagamit pag pumapasok ako sa opisina..
Minsan dala ko, minsan commute.
Wala halos pinagkaiba, pareho din akong gumagastos dun..
gas o kya pamasahe.
Ang kinaibahan lang, pag dala ko sasakyan ko, dami ko friends.
Maraming nakikisabay sakin pauwi.
Pag commute, loner ako.
Walng kakilala.
Parang may sakit.
Walang gustong sumabay kasi baka mahawa.. nice. ^_^

Uulitin ko ung simula.. parang mas maganda pag ganito:

Meron akong sasakyan na ginagamit pag pumapasok ako sa opisina..
At meron din akong mga kaopisina na ginagamit ako pag uwian na.. ^__^
Hahahaha!!

Hindi ko sila nakakasabay pag papasok palang khit nadadaanan ko lng yung bahay nila..
Kasi shempre, malamang, maaga ako pumapasok.
Sila, late.
Pero pag uwian na, iisa lang oras naming lahat.
No choice. Nandyan na, isabay nalang.

Punta na tayo sa mismong istorya..
Sobrang daming ginagawa sa ofis nung araw na un..
Alas dos na.. uwian na.. pero yung iba parang walang balak tumayo kasi andami pa nilang ginagawa..
Shempre hindi ako kasali dun.. 1:55 plang, nandun nako sa guard..
kota na eh. ^_^
Hindi pa pumapatak ang alas dos, nakita ko ng patayo ung mga nakikisabay sakin..
Nasabi ko nalang sa sarili ko: *PUTRAGIS NA YAN OO..

Saktong alas dos.
Swipe ng ID.
Takbo sa elevator, sara agad. baka magkaabutan pa, mahirap na.
Nagmadali nakong pumunta sa parking lot.
Nakita kong katabi ni Vanessa (sasakyan ko) ung sasakyan ng pinaka kclose kong kaopisina..
Balak ko pa sanang magiwan ng note sa wiper nya.. aasarin ko lng.
Kaso wala ng oras. kaylangan ko ng umalis.

Start.
Bigay ng ticket sa guard.
Harurot.

Mejo kinabahan pako kc baka nasa lobby na yung mga mkikisabay.
Madadaanan at madadaanan ko sila kasi dun lang sa harap ‘non ang posibleng daan bago makalabas ng hiway..

Wala pa sila. success.

Eto na..
Nasa kalagitnaan nako ng highway ng mapansin kong umuuga yung kanang side mirror ko sa hangin..
Wala akong mahintuan kasi nga, highway..
Binagalan ko lang takbo hanggang sa makakita ako ng daan sa gilid ng hiway n tinatakbuhan ko..
Pumasok ako dun.. tabing tabi lng sha ng highway, gutter at mga maliliit n halaman lng ang pagitan.
Lagi ko nadadaanan ung area na un pero dun ko lang narealize na bakit nga pala walang dumadaan dito?

Stop.
Baba.
Pag ikot ko sa kanang side ni Vanessa, nkita ko may nakatayong guard sa ilalim ng puno..
Siguro mga limang dipa ko ang layo namin.
Nakita ko nakatingin sha sakin.
Walang expression ang muka.
Naisip ko, baka private road un at bawal akong magpark o
dumaan manlang dun.
Habang chinicheck ko ung side mirror, hinihintay kong sitahin nya ko.
Pero wala. nakatayo lang sha.

@#$%^&*( !
wala na yung turnilyo ng side mirror ko!!
Sino nagtanggal?
Puchaa. epekto ba to ng pagdadamot ko?
Karma strikes? hahaha!

Hindi ko alam gagawin ko. kung nalaglag man yung turnilyo,
malamang hndi ko na makikita un.
Buti nalang may electrical tape si Vanessa.
Habang tinitape ko c Vanessa, tumingin ako sa guard. nakatingin parin sha sakin. Hindi kumikilos.
Inisip ko baka hndi tlga sakin nakatingin ung guard.
Baka banlag lang sha, feeling ko lang na sakin sha nakatingin.
Hahahaha!! kinakarma n nga ako, nangokray pa.

Pag sakay ko, dumirecho nako.. dun parin sa “private road”..
Nadaanan ko ung guard. tumingin lang sha sakin.
hindi manlang tumango o ngumiti.
Walang kahit ano.

“grabe.ang haba pala ng kalsada dito. pero bakit walng nadaan?”
“Hindi to private, wala namang sign” (sabay tingin sa paligid..)

Nasa kabilang gutter lang ung highway na dapat dinadaanan ko.
Nang makarating ako sa dulo..„..„..
“Walanjo. bakit putol ung kalsada?!!!?”
“putragis!”

Sumilip ako kung pano ako mag u-u-turn.
Dun ko nakita may nakahigang sign board.
Natumba at nadaganan na ng ilang maliliit na bato.
Ang nakasulat: “ROAD CLOSED”

Magmumura pa ba ko? Alam nyo na un.
Walng kahit anong mura ang mkakapagexpress ng nadama
ko nung mga oras na un.

Hindi ako makapag uturn. makitid mashado ung “private road”.
Alam na natin kung bakit ako tinitignan nung guard.
Naisip ko pag bumalik ako dun sa dinaanan ko, saka sha ngingiti sakin.
Sarap nyang batuhin ng turnilyo. o kya ng side mirror nalang mismo para mas masakit.
O kaya para mas matindi, ung signboard nlng ung ihahampas ko saknya.
BUSET.

Hindi ako nag uturn.
Sumampa ko sa gutter.
“Bahala na si batman. 1..2..3..! Go Vanessa!!”

At aun nga. nasa highway nako.
Nasabi ko nalang,

Relax…Shit happens talaga.

No comments:

Post a Comment