Sobrang makakalimutin ako at alam na ng lahat un. May mga pagkakataon talaga na mahina ako sa pagtanda ng mga pangalan, lugar na nadaanan ko na, petsa, kulay ng damit na sinuot mo kahapon lang, ichura ng muka, mga salitang kakasabi ko lang, at marami pang iba. Pero may mga pagkakataon din namang ok ang memorya ko.. lalo na sa mga pangyayari.. at lalo pa dun sa mga pangyayaring naka apekto talaga ng bongga sakin..ung hardcore ang epek.. pakiramdam ko tuloy un ang special talent ko.. ang araw araw sariwain ko ang mga masasaklap na pangyayari sa past ko..so nice..
Maniwala ka man o sa hindi, naranasan ko ng makalimutan apilido ko..oo ganun katindi at hindi ako nagbibiro. First year highschool ako ‘nun.. exam.. hindi ko pa ‘nun alam na nakalimutan ko apilido ko hanggang sa matapos kong isulat ung middle initial ko.. na stuck up nako after. Nagtanong ako sa katabi ko ng mejo pabulong.. ang wirdo kasing pakinggan diba. try mong itanong sa kaklase mo kung ano apilido mo tignan natin kung ano magiging reakshon nya.. so ayun nga, minura ako..pero pabulong din.. sa pagaakala nyang nakuha ko pang magbiro sa gitna ng mahirap na exam.. Nung naalala ko na, sa spelling naman ako nagdalawang isip.. san nga ba ung double R sa HERRERA ko? sa una o sa pangalawa?
Punta na tayo sa kwento ko. Mother's day nun. 9pm oras ng trabaho ko kya mga 7pm palang pumunta nako sa mall para sana magpareserve ng cake para sa mahal kong ina. Mahaba na pila..pero tiniis ko.. iniisip ko nalang kung ano ung magandang message na ipapasulat ko sa cake. Kaso badtrip, wala na daw reserve reserve.. hindi daw kasi nila alam kung ilang cakes at kung anung klaseng cakes ung mga madedeliver sakanila bukas ng umaga.. So, sawing palad. napabili nalang tuloy ako ng isang slice para sakin. para naman hindi masayang ung pinila ko dun..
Paglabas ko ng mall, nakita ko sobrang trapik. may banggaan..natanggal pa ung gulong. habang naglalakad ako papunta sa pila ng mga van na sasakyan ko, winiwish ko na sana maganda mapwestuhan ko kasi balak kong matulog..mahaba habang byahe eh.
Wow. ako plang una. sa front seat nako umupo. nginasab ko na agad ung cake na binili ko.. hindi pako natatapos kumain, dumagsa na mga pasahero. wala na daw kasing mga van dun sa kabilang toda. mga naipit daw sa traffic. Naputol ang pakikinig ko sa mga nagchichismisan sa likod ko nung may biglang nagbukas sa pinto dun sa frontseat. Napatingin ako. napatingin din sha. sabay pa kaming nag “uy!”. hindi ko alam kung bakit ako nag “uy”.. After ko mag “uy”, dun ko lang narealize na pamilyar ung muka nya.. umupo na sha sa tabi ko. at habang inaayos ko pwesto ko, iniisip ko kung sino nga ba sha?. san ko sha nakita? ako din sumagot sa tanong ko. kilala ko sha pero nakalimutan ko kung ano pangalan nya. ayoko sanang magka dead air kasi ayokong mahalata nyang may bumabagabag sa isip ko..
“san ka?” sabay na naman kami. ang korni pero natawa kaming dalawa. hanggang sa ayun, sabi ko “sa alabang,pasok nako trabaho.. ikaw?” “sa festival. buti ka pa may trabaho na. ako wala pa..nursing kasi eh..ang hirap ng blah blah blah blah.” dun ko napatunayang magkakilala nga kami dahil super share na sha ng mga bagay bagay na hindi ko pa naman tinatanong.
Dead air. as in super dead.
Wala akong maisip na sabihin kasi hndi parin ako sigurado kung kelan ko ba sha naging classmate.. kung gradeschool ba, highschool o college.. mamaya magbanggit ako ng pangalan tapos hIndi pala nya un kilala, nakakahiya.. wala akong magawa kundi hintayin shang magsalita..
___ : kelan ulit reunion?
me : (patay. anung reunion? shit.) uhm.., hindi ko alam eh. kelan nga ba? he he..
___ : antagal na nung huling nakasama ko eh. nagstart na kasi ung volunteer ko nun..e aun, busy..
me : aah.. (kaylangang maiba ang usapan.. takte talaga eto pa natanong nya..) nakapagtake ka na ba ng exam?
___ : oo tapos na.. naghahanap nalang talaga ko ng trabaho.. andami ko n kayang inaplayang mga ospital.. ang hirap grabe..blah blah blah blah blah.
me : he he. ayos lang yan.. makakakita ka din..
___ : sana talaga. ay wait may tumatawag…
me : (yeeeeesss!!! i need a break!!!) cge cge.
Nung mga oras na un, umiisip ako ng paraan kung pano ko makakatakas sa sitwashon. baba nalang kaya ako sa pinaka malapit na gas station? tapos sabihin ko may hihintayin ako dun.. kaso hindi, aabalahin ko oras ko at panibagong pamasahe ko para lang makatakas? no no no. kaya naisipan kong magtulog tulugan nalang. kaso pagpikit ko, bigla shang nagsalita.
___ : anu nga ung sinasabi ko?
me : ha? ah.. anu nga ba? haha! ewan.
___ : aun nga..ung reunion..
me : (putragis.) ah oo nga pla, kelan ba?
___ : nakakasama mo pa ba sina laviene?
me : (aha!! highschool kita naging kaklase!! tnx sa clue.. ^_^) ah! sila laviene? oo nkakasama ko sila paminsan..
saka nako nagbanggit pa ng ilang mga pangalan na mejo sigurado nakong kakilala nya kasi kabatch namin.. pero may pangilan ngilang pangalan parin akong nabanggit na parang hindi nya kilala..hindi ko alam kung bakit.. ung expression ng muka nya parang napapaisip.. dun ko naalala, hindi nga pla buong highschool ko eh kaklase ko c laviene.. ano nga bang year kami naging magclassmate? at anung section? shit. panibagong pagiisip nanaman.
___ : second year ba yang sinasabi mo?
me : ha? ah… hindi. 3rd year ata? ay hindi, tama second year.. ay? uhm. oo nga second year.. ata.. hehe.
___ : ay wait may tawag ulit..
me : (thank you Lord.)
mejo matagal ung usap nila sa fone..sa tagal ng usap, parang pwede pakong magtimpla ng kape, palamigin muna, tapos saka iinumin. kung alam lang nya kung gano ko pinipiga utak ko para alalahanin kung anung year at section namin dati na naging magclassmates kami.. un talaga ang hirap. dun ko naisip na baka isa sha sa mga model students dati.. ung tahimik, laging nasa unahan nakaupo,laging dala ung lahat ng sizes ng papel para sa mga quizes, laging may gawang assignments.. ung mga ganun.. isa kasi ko sa mga bully dati.. at ang mga naaalala ko lang, mga kapwa ko bully. at wala sha sa list of bully members ko. hmm.. malamang nga isa sha sa mga mababait. at malamang nahingan ko na sha ng papel dati.
winish ko na sana maalala ko na pangalan nya.. nagkukwentuhan kami tapos hindi ko pala alam pangalan nya, ang panget tignan. ngayon lang ako nakaexperience ng ganun.. yung buong byahe ko natagtag utak ko sa kakaisip kung ano ba talaga pangalan ng taong kausap ko. nakakainis. pakiramdam ko napapahiya ako sa sarili ko ng hindi ko alam kung bakit. hindi naman nya alam na nakalimutan ko name nya pero naiirita parin ako sa sarili ko..
Yan na, malapit nako bumaba. hay salamat. makakatakas narin ako. sakto narin na tapos na sila magusap nung kausap nya sa fone..
me : sa festival ka diba? ako jan na.
___ : ah, o cge..
me : para po..
___ : cge bbye..
me : cge cge, ingat ka.
—
Dala ko hanggang sa opisina ung pagiisip kung ano pangalan nya. mejo na nadidistract pa ko sa mga ginagawa ko pag naaalala ko ung sitwasyon kanina.. yun na pinaka pangit na byahe ko ever. pero kung iisipin, lesson un.. Ngayon ko narealize na importante pala talagang natatandaan mo lahat ng mga naging kaklase mo.. Naging super close man kayo o hindi, maganda parin talaga yung matalas ang memorya mo pagdating sa mga pangalan ng tao..
Ending:
Paguwi ko sa bahay, hinanap ko agad ung yearbook ko nung highschool. dun ko natuklasan, super magkasunod pa pala kami ng birthday.. 8 sha, 9 ako..same month.. cool.. tapos eto pa, same subdivision lang pla kami? walanjo. bakit hindi ko un alam nung highschool kami?? o bka alam ko na un kaso nkalimutan ko lang ngayon na alam ko pala un dati.. tsk.. pero proud ako, yung sinulat nyang ambition dito sa yearbook namin eh “to be a nurse”.. although hndi pa sha ganap na nurse talaga, yun parin yung tinahak nya.. hehe.. hardcore. at ang name nya…., Marisol. now i know.
Wednesday, September 8, 2010
Sustagen Chip
sobrang makakalimutin ako.. habang tumatagal lalong lumalala pagiging makakalimutin ko.. pero matalas memorya ko pagdating sa mga pangyayaring todo yung epek sakin.. share ko tong hardcore na moment ko sa sustagen chip..
kinder ako nun, merong program sa school namin na pupunta sina susie at geno..ung dalawang parang may hydrocephalus na mascot. (hindi sa bitter ah. nagsasabi lang ako ng totoo. pero parang ganun narin.. hehe.) anyway, aun nga. ung araw bago ung event na un, binigyan kami ng teacher namin ng tigiisang sustagen chip..
oo alam ko alam nyo na mangyayare. pero patapusin nyo muna tong kwento ko..
yung chip na un katumbas nun isang sustagen toy o kya naman isang sustagen na lapis na may pambura, o kaya naman ruler na sing haba lang ata ng i.d, at kung anu anu pang kaek ekan na may tatak ng sustagen..shempre nung mga panahong un sobrang tuwa nako. bata eh. baka nga makatanggap lang ako ng takip nag sustagen matutuwa nako.
ayun. nung araw na binigay samin ung chip na un, sobrang bonggang tinago ko un sa bulsa ng bag ko. ang kaso, ung bag ko parang basurahan.. nagsama sama na lahat sa loob. may mga durog durog na biskwit, nilamukos na drinowingang mga papel, mga putol putol na crayons, mga pinagtasahan ng jumbo na lapis..ung kulay black? un.. meron pa nga atang wlang laman na tetra pack ng zesto dun. pero oks lang un, alam ko naman kung saang bulsa ko un nilagay eh.
excited nako kinabukasan nung pumasok akong skul. inapura ko pa si mang ben (kapitbahay namin na may pamangking ka same skul ko). lagi akong kasabay sa paghatid at pagsundo nya sa pamangkin nya. pagdating namin sa school, wala pa ang team sustagen.. pero hindi na kami pinagklase. pinaglaro nalang kami ng mga lego lego dun habang hinihintay sina susie.. at dahil nga sa since birth eh makakalimutin ako, nawala na sa isip kong icheck ung sustagen chip ko..
sakto. nanjan na sina susie..takbuhan na kaming lahat para makiyakap sa dalawang may hydrocephalus na mascot. after nun, nagsalita na ung teacher namin na kunin ung mga sustagen chip namin..
un na. nataranta nako nung pagbukas ko sa bulsa ng bag ko, wala na ung sustagen chip!!! cguro kung marunong nakong magmuara that time, malamng mga pang hardcore na mura isisigaw ko. tsk. wla akong nagawa kundi ibuhos lahat ng kalat este maga gamit ko sa sahig.. pinagbubuklat ko mga libro ko. pati mga nilamukos na papel inunat ko para lang makasigurong hindi un nakatago dun. wala. wala. wala talaga. pano nangyare? dun nako umiyak.. =(
napansin ko nalang ako nalang magisa dun sa loob..so lumabas ako.. nakita ko ung mga kaklase ko nakapila na para ipapalit ung sustagen chip nila. hindi ko alam kung sasabihin ko ba un sa teacher ko o uuwi ako sa bahay para ichek kung nandun ung chip ko.. kaso wala c mang ben..hindi ako papayagang lumabas.. paiyak nako ulit nun nung may nagabot saking isang baso ng sustagen.. tinanong nya pa ko kung nabigyan n ba ko o hindi pa. sabi ko hindi pa. tpos bigla nalang sha tumalikod para magbigay pa sa ibang bata ng mga baso basong may sustagen.
ininom ko na ung sakin. hindi ko alam na un na ung huling inom ko ng sustagen. hindi ko na maalala ang lasa sa sobrang tagal.
hinanap ko ung teacher ko pero hindi ko makita. naiiyak nako nun lalo dahil ang iingay ng ibang bata na nagpapayabangan pa sa mga laruang napagpalit nila sa chip nila. eh pare pareho lng naman. hahaha! dama ko parin pagkabitter ko hanggang ngayon.. sorry naman.
hindi ko mahanap ung teacher namin kaya pumasok nalang ulit ako sa classroom para ichek ulit ung basurahan/bag ko.. wala talaga..lumabas nalang ako ulit. pagdating ko dun, may nagsasalita na sa mic.. tapos c sussie at c geno wala na.. ung mga kaklase kong maiingay tumahimik na, naka upo na lahat. ako nasa likod nagpupunas ng luha.. =( hindi manlang ako inasikaso ng teacher ko.. huhu.
tapos nun, umuwi ako sa bahay ng mainit ang ulo. malamang. chinek ko ulit ung bag ko.
%^&*(#$@$%!!!!!!! nandun ung sustagen chip ko!!!! naipit sa pinaka sulok sa dulo ng zipper. nice.
simula non, milo na iniinom ko.

Maduming Usapan
BABALA: para po sa mga maaarte at hindi masyadong nakakaappreciate ng maseselang usapan, at para narin po sa mga taong masyadong malinis, wag na po ituloy ang pagbabasa.
---------
Naranasan mo na ba yung nagtagal ka sa c.r dahil nasarapan kang dumumi? Yung kahit na ang sakit sakit nya sa tyan, deadma lang kasi nageenjoy kang umire? Hindi ko alam kung lahat ng tao nakakaranas nito o ako lang pero madalas 'tong nangyayari sakin. Palagi akong nagtatagal sa banyo dahil sobrang nageenjoy ako sa pag ire. Para bang yun ang unang beses kong dumumi sa buong buhay ko.. haaay..
Nung bata ako naranasan ko ng dumumi sa loob ng classroom. Oo nakakahiya. Hindi ko naman yun ginusto. Talagang hindi ko lang napigilan.. Naramdaman ko nalang na malagkit at medyo mainit-init na yung inuupuan ko.. Medyo hindi na maipinta muka ng katabi ko dahil hindi na maganda ang amoy ng paligid. Ayoko na ngang maalala pero ewan ko ba, hindi sya matanggal sa isip ko. So far, yun na ang number 1 na pinka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko na sa twing naaalala ko, hinihiling ko na sana magka amnesia nako ngayon na... As in.. Now na.
Ang pagdudumi ay normal sa mga tao. Ultimong mga hayop abnormal kung hindi sila dudumi. May ibat ibang klase na dumi. At pusta ko, lahat to, naranasan mo ng magkaron.
• Duming normal. Kalamitang buo. Eto ang klase ng tae na wala lang, normal lang, isang ire, labas. sabay flush. Kadalasan sakto ang lambot at haba nito. Saktong sakto sa inodoro. Hindi pahirapan sa pagfa-flush.. Ayon sa Bristol Stool Scale, na ngyon ko lang niresearch, ang ganitong klaseng tae ang pinka "ideal stool" dahil daw ang ganitong klaseng dumi ay hndi mahirap ilabas.
• Kung merong normal, eto naman ang hindi. Ang tubol. Sobrang tigas na akala mo mapupunit na yung butas ng pwet mo sa kakaire. Kadalasan buong buo to lumalabas. Kung malakas ang muscle ng butas ng pwet mo, pwede to maputol sa pamamagitan ng sapilitang pagsara ng pwet. Feeling ko masama yung ganun pero minsan ginagawa ko yun. Lalo na pagka sobrang laki na talaga na hindi ko na matiis yung nastock sha sa gitna. Kalahati nakalabas, kalahati nasa loob pa. Sobrang badtrip tong taeng to. Hindi lang sa pag ire pahirapan.. Pati sa pag flush.. Minsan nakakailang buhos ka na, hindi parin nilalamon ng inodoro. Badtrip.
• Meron din namang nakakatuwang tae kahit parang medyo hindi sha normal. Sabi nila kung nakakaranas ka daw ng tubol at ng ganitong klaseng tae, constipated ka. Ibig sabihin, tigang. Eto yung taeng cute tignan. parang mga holen.. iba ibang size pero lahat bilugan ang hugis.. ang ku-cute.
• At ang pinaka huli, alam nyo na. Ang iniiwasan ng lahat. Sinungaling ka kung sasabihin mong ni minsan hindi mo pa to naranasan dahil lahat tayo, dumaan dito nung mga sanggol palang tayo.. Iba ibang kulay pero iisa lang ang texture. Basa. Makalat sa inodoro. May kasamang utot/hangin twing lumalabas na sa pwet, matunog, hindi mo pwedeng itago at syempre, habang nilalabas mo to, pusta ko nakahawak ka sa tyan mo. Minsan halos pareho din ang amoy. Yun nga lang, mejo may pagka maasim to ng bahagya depende narin siguro sa klase at amoy ng nakain mong nagpasira sa tyan mo.
Ito yung bangungot ko. Yung pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko nung bata pa ko. Bigla akong natae sa classroom. Kayo nalang ang bahalang mag imagine kung pano yun nilinis ng janitor at kung pano ako nakauwi sa bahay namin.
Eto yung klase ng tae na mas kinakatakutan ko kesa sa nanay ko. Pag umatake to ng wala ako sa bahay para gumamit ng sarili at malinis na banyo, patay patay na. Hindi ako nasanay sa inodoro ng ibang bahay. Ayokong may ibang nakakaamoy ng sarili kong baho at magtitiis ako hanggang sa makakaya ko. Pinupukpok ko yung pwet ko sa paniniwalang pinapabalik ko pataas sa intestines ko yung taeng reding ready na bumulwak. (salamat sa ate ko, sya nagturo sakin neto.) Pero pag talagang hindi na kaya, sorry pero kaylangan ko munang umuwi..
Lactoseintolerant ako kaya konting tsokolate, konting gatas, konting keso, pwede ko ng ilipat yung tv namin sa banyo. panigurado kasi, magtatagal ako. Kaya naman pag alam kong nasa labas ako, o saan mang lakad, iniiwasan ko ang mga pagkaing may ganyan. mabuti ng mainggit ako sa mga kumakain kesa naman sa mamroblema ako kung saan ako maglalabas ng sama ng loob.
Katulad nalang nung nakaraang buwan, napilitan akong tumae sa banyo ng Park 'n Ride dyan sa Manila. Sa halagang limang piso, pwede ka ng mangubeta. Ang problema, may nakapaskil na karatula: "ihi lang ang pwede". Wala nakong magagawa, nakapabayad nako at nasa loob nako at palabas narin ang tae ko. Problema pa, may mga nakapila. Halo halo na tumatakbo sa isip ko nung mga panahon na yun. Hindi ko narin alam kung anung dasal ang dadasalin ko.
Habang nakapila, umiikot yung mata ko sa bawat sulok ng banyo. Walng tabo. Madalas meron akong baon baong mineral water sa bag ko pero sa pagkakataong yon, wala akong dala. Hardcore talaga. Parang sadya lang. Bukod sa walang tabo, may isa pang bumabagabag sa loob ko. inimagine ko na kasi yung amoy na maiidulot ko sa buong kapaligiran. Nakakahiya. Inisip ko na pano kung mangamoy at mahuli ako ng nagbabantay sa labas na nilabag ko yung karatulang ihi lang ang pwede. Sobrang nababaliw na talaga ko.
Nang magkaron ng bakanteng cubicle, nagdadalawang isip pako kung papaunahin ko na ung mga nakapila.. Nagbabakasakali akong ako yung huli at wala ng ibang tao sa loob na pwedeng magreklamo sa amoy. Pero hindi na tlga kaya. Bahala na si batman. Pumasok nako at dinahan dahan ko ang pagbukas ng pwet ko. alam ko kasing maingay yon at pag hindi ko kinontrol, bubulwak yun at mas lalong magiging malaking problema. Mahirap. Sobrang hirap. Laking pasalamat ko kasama ko yung girlfriend ko (na mahal parin ako matapos ang malagim na pangyayaring yon) nung lumuwas kami. Nagawan nya ng paraan lahat. Hindi ko alam kung san sya nakakuha ng tabo na may tubig.
Siguro pangalawa na yun sa mga super jaheng pangyayari sakin. Pero wala akong magagawa, nangyari na.. Pero atleast ngayon mas magaan sa loob dahil sa inodoro nako nakapag labas ng sama ng loob at hindi na sa loob ng classroom habang suot ko ang uniporme ko. Nice!
Wala akong problema dahil nasa "ideal stool" ako ngyon. Ikaw, kamusta huling bisita mo sa banyo ngyon? ^_^
Subscribe to:
Posts (Atom)